Larawan: Paglalarawan ng Kulturang Pilipino

Hindi pwedeng walang piktyur sa bahay ng isang pamilyang Pilipino. Mumurahin o mamahalin man ito, maliit o malaki, colored o black and white—minsan nga’y sepia. Madalas itong ilagay sa photo album at sa picture frame. Kadalasa’y ornamento itong pampaganda ng bahay. Bukod sa mga nabanggit, masasabing ang larawan ay isa na ring paglalarawan ng kulturang Pilipino.

Kapag may bisita, madalas na unang inihahain ng mga Pilipino ang photo album habang naghahanda ng ipapakain sa bisita. Pinapakita ng kaugaliang ito ang pagiging hospitable ng mga Pilipino. Linilibang muna nila sa mga kwento ang kanilang bisita gamit ang mga larawang nakapaloob sa photo album. Madalas nilang mapag-usapan ang mga kwento sa likod ng bawat larawan. Mga kwento sa bawat pose, ekspresyon ng mukha, kung saan at kailan kinunan.

Hindi lamang pangganyak ang mga piktyur, pinapakita rin nito kung paano pinahahalagahan ng bawat pamilyang Pilipino ang relasyon. Kadalasang makikita sa mga larawan ang kuha ng isang pamilya kapag sila ay nag-awting, namasyal, may handaan at ibpa. Ito’y mga masasayang ala-ala kasama ang buong pamilya o kaya’y buong angkan. Implikasyon ang mga larawang ito ng pagiging ‘close family tie’ ng mga Pilipino.

Madalas na isabit ng mga magulang ang piktyur ng kanilang anak noong ito ay nagtapos. Gustong ipakita ng mga magulang na ipinagmamalaki nila ang naabot ng kanilang anak. Ugaling Pinoy rin ang pagmamalaki ng mga magulang sa kanilang anak, gaano man kaliit o kalaki ang kanilang naabot dahil para sa kanila di lamang ito achievement para sa kanilang anak, higit pa ito para sa kanila. Kung kayo’y aayon, dito masasalamin kung anong klaseng magulang ang mga Pilipino

Ilan lamang ito sa refleksyong ipinapakita ng mga piktyur. Sa kabuuan, ipinapakilala ng mga larawan ang kulturang Pilipino kasabay na rin ng pagpapakilala na kultura na rin ng mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkuha ng mga larawan. ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s