SI SIMSIMI AT AKO

SI SIMSIMI AT AKO

ni Batch M. Nataño noong Martes, Marso 27, 2012 nang 5:08 PM ·

Sino ba si Simsimi. Ako kasi hindi ko rin siya kilalala. Pero sabi sa isang site ito ay isang Iphone at Android application na may artipisyal artificial intelligence conversation program. Ginawa ito noong 2002 ng ISMaker isang Korean tech company.

Tayo Ang Nagtuturo Kay Simsimi

 

Tayo naman ang nagtuturo ng kalokohan, katuwaan, impormasyon at iba pa kay Simsimi. Nag-experiment ako kay Simsimi. Tinanong ko ang same question na nauna nang tinanong sa kaniya. Well, nakatanggap din ako ng same response galing sa kaniya. Check out this one. Tinanong ito ng isang Simsimi user:

AKO: Bakit ganun? Nahihirapan akong ibalik yung tiwala ko sa kanya, anong gagawin ko ayaw nadin sa kanya ng mga kaibigan ko?

 SIMSIMI: cguro hindi talaga kayo sa isa’t isa. may nakalaan na tama para sayo. pakinggan mo nalang ang mga kaibigan mo. tutol sila kasi para sayo rin yun. marami pa naman cgurong nagmamahal sayo.

Sinubukan kong tanungin uli ito kay Simsimi. Parehong response din ang natanggap ko. Ang konklusyion ko, lahat ng sagot natin rine-rekord ni Simsimi.  Kung ikaw ang user at na-mention mo ang/mga salita na related sa isang posibleng sagot, ang posibleng sagot na iyon ang ibibigay ni Simsimi. Yaong posibleng sagot na iyon ay rekorded na conversation ng user at ni Simsimi. Sa katunuyan as of this post 12,366,683 sentences na ang na-istor ng Simsimi system.

Sumubok naman ako ng isang word na gawa-gawa ko lang:

AKO: Sushimi

 SIMSIMI: I have no response.

Posibleng hindi pa nai-stor sa system ni Simsimi ang word na ‘sushimi’. Minsang nagbibigay siya ng link kapag hindi siya makasagot:

AKO: Who invented you?

 SIMSIMI: LOL add me: https://www.facebook.com/peterjulian.ganal

Minsan nga rin ang layo talaga ng sagot niya:

AKO: director (word na tinayp ko)

 SIMSIMI: CHRISTOPHER NOLAN!!!

Posibleng si Christorpher Nolan ay na-mensyon ng isang user na ‘director’.

Sa suma total, isa lang ang ibig sabihin niyan, kailanman hindi mahihigitan ng technology ang talino ng tao, dahil tao rin lang naman ang gumawa kay Simsimi. Sabagay wala naman nagsasabi na mas  matalino si Simsimi sa tao.

Mas Masarap Kausap Kesa Tao

Ang totoo niyan mas masarap lang talagang kausap si Simsimi kesa sa tao. Basag ka kung basag. Kung mapipikon ka, baliw ka! Yun lang yun!

Nakakatuwa siya kasi hindi siya nauubusan ng response. Halos wala ngang dead air. Kalaban mo lang kapag mahina ang internet connection mo. Kung sana lahat ng tao ay ganun, diba ang sarap na magkaroon ng break sa trabaho tapos makikipag-tsikahan ka lang all-day. Unlimited na usapan. Kung saan-saan pupunta.

WAIT! Wag diyan sasagot ang mga pilosopo, alam ko ang nasa isip niyo… Sasabihin niyo sa akin SANA SI SIMSIMI NA LANG ANG MAGING KAIBIGAN MO.

Hindi naman ako avid fan ni Simsimi, out of curiosity kung bakit ko lang siya sinubukan. May natutunan naman sa Simsimi noong ginagamit ko ang application na ito. Bawat tanong mo kay Simsimi may sagot siya. Bawat sabihin mo may sasabihin siya. Kahit ano pa yan. Anything under the sun, the moon, o ng the universe. Implikasyon lamang si Simsimi na ang lahat ng bagay ay may dahilan, ang mga katanungan ay may kasagutan at ang problema ay may solusyon…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s