‘WALKATHON’ at ‘DUGIE-DUGIE’ sa Sitio APIA

March 19, 2012 kanselado lahat ng mga suppose engagements ko. Invitation from my students as her escort in an activity na hindi ko naman alam kung ano. Pati pagpasok ko sa pinapa-part time job-an umabsent din ako. These two engagements were sacrificed para lang sa isang bagay na hinding-hindi ko talaga ma-hindiin—  ang mag-hiking with my students in Children’s Literature. Hindi ito bahagi ng klase ko sa kanila. Bahagi ito ng pagkatao ko na mahilig na tumuklas ng mga taong gusto kong makilala. Kaya nga hindi lamang ito basta hiking lang, ito’y isang pagtuklas. Pagtuklas sa mga estudyante ko na nakasalamuha ko one and a half hour a day, twice a week. Pagtuklas ng higit pa kung ano sila bilang mga estudyante ko. Kung hindi bilang mga kapatid at kaibigan.

Five a.m. ang aga ko talaga gumising. Gumising lang, pero hindi pa talaga bumabangon. Ang sarap pa kayang matulog. Alam ko naman na kahit maaga akong umalis, useless pa rin paano alam kong late naman sila dadating. Alam ko na yun, minsan na rin kasi kaming nag-antayan bago tuluyang mag-assemble. After that, wala talaga akong preparation. Ang tanging laman lang ng shoulder bag ay ang aking pouch, cellphone, paying proteksyon sa init, at dalawang pampalit na t-shirt. Light lang talaga ang preparation ko. Wala rin akong hinandang food. Bibili na lang daw kasi kami sa palengke ng lulutuing pagkain para sa aming hiking. Sinuot ko ang walang kalumaang Lee pants ko at maduming brown na sneakers (di ko talaga linabhan, maglalakad daw kasi kami ng pagkalayo-layo). Everything is set kaya lumarga na agad ako ng walang laman ang tiyan kung hindi kape na hinaluan lang ng kanin. Keri na yun. Sanay ang tiyan ko sa ganung ka-light na pagkain.

Quarter to seven matapos kong bumili ng one liter na tubig at kutkuting biskwit, dalawa pa lang ang nandun- sina Rachel at si Erna. Expected ko na yun kaya hindi na ako nag-expect pa na marami na agad silang darating. Maya-maya sunud-sunod na dumating sina Zara, Hazel, Imee at Mirafe. As usual inantay pa namin ang iba pa sanang sasama, kaya may kaniya-kaniya ring laboy at pagkakaabalahan ang iba kaya hindi rin nakasama.

Off to Cogeo kaya lang parang hindi makakasama si Imee dapat kasi niyang bantayan ang mga estudyante ng mama habang nagpaparaktis ng graduation. Kinonsensiya naming si Imee na deep in her heart ay gusto talagang sumama, kaya lang ay nag-aalangan siyang sumama dahil nakapag-sabi na siya sa mama niya na babantayan ang mga bata. Gumawa kami ng paraan, hinagilap namin ang mama niya at pinagpaalam siya. Suwerte namang pinayagan agad siya. Sa Cogeo na rin kami namili ng aming pagkain, isa’t kalahating mangga na isasawsaw namin sa lutong bagoong ni Rachel, sampung balot ng assorted bread, at isang pirasong bangus na papalaman namin ng samu’t saring sangkap. May baon naman ang iba, share-share na lang. All are excited nang biglang malaman namin na isa lang palang dyip ang nag-bibiyahe papuntang Calawis, ang lugar na meeting place namin with Jaymark at Veric (Jay-ar talaga name, Veric is his surname). Problema yun, buti na lang may alternative route, pero kailangan naming mag-cutting trip ng tatlong sakay. First stop, bababa kami sa Veterans, disi otso kada isa kapag estudyante. Mahaba ang biyahe mula Cogeo proper papuntang Veterans, pero ayos lang. Habang papalayo kami ng papalayo, unti-unti na naming nararamdaman ang lamig. Parang pa-akyat na talaga kami sa tuktok ng bundok. Pero in fairness sa lugar, malinis, maganda, halatang probinsiya. Malayong-malayo sa kabihasnang madalas naming Makita araw-araw, na mausok, maingay, minsan nga magulo. On our way to Veterans, peaceful ang pakiramdam. Dun ko rin lang na-realized kung gaano kalayo ang binabaybay ng ilang estudyante ko na nakatira somewhere in Boso-boso. Banglayo. Pero wala na ‘atang mas lalayo pa ng bumaba na kami at last sa Veterans. Bago kami makadating sa Calawis kailangan pa naming sumakay ng tricycle. Ang ilang kumunot ang noo paano another bayarin na naman para sa tricycle. Ang siste pa, punuan pala. Since anim kami, kailangan naming mag-hati ng tricycle, dip ala pwede ang ipagsisiksikan ang anim sa isang sasakyan. Ang haba ng linakbay namin papasok mismo sa boundary ng Calawis. Tahimik lahat . kaniya-kaniyang pagmumuni-muni sa bagong environment na nakikita namin paligid. Wala namang bago sa nakikita naming, except for a realization na, grabe pala talaga ang binabiyahe ng dalawang estudyante. Pagdating mismo sa Calawis, bumungad sa amin ang arko na may nakasulat na ‘Doroteo’ indikasyon na taga-doon nga talaga si Jaymark. Tito niya raw yung nabasa naming na siyang kapitan ng Calawis. After that, kailangan pa naming sumakay uli ng tricycle papasok sa barangay proper. Another bayad na naman. Hati uli ang rides. Kaya lang this time, nagkasya kaming lima sa isang tricycle, at si Erna (dahil hindi niya talaga kayang ipagsiksikan ang sarili sa tricycle) ay lumipat na sa isa pang tricycle na suwerte namang isa na lang ang kulang. At that moment, excited na ang lahat na makarating sa pupuntahan namin. Expected naman naming na pagdating ng Calawis mag-lalakad pa kami ng bonggang-bongga, kaya lang wala kaming ideya kung gaano kalayo ang aming lalakarin.

Sinalubong kami ni Jaymark at pinatuloy muna sa kanilang mini-bahay kubo, habang si Veric naman ay inaantay pala kami sa Coverd Court (malay ba namin sa court na yun!). So nagpahinga muna ang grupo ng trekers saka namin sinimulan ang paglalakad.

Una’y sementado pa lang ang linalakaran namin. Kaya lang hindi biro ang linakad namin paakyat kahit pa sementado yun. Dun pa lang alam na ang mga hingal kabayo na sina Rachel at Erna, samantalang ang mga nasa hulihan na sina Imee, Hazel at Zara, bagaman hinihingal na rin ay todo pa rin ang pa-piktyur sa mga kabayo (first time?)

Wala pa sa kalahatiian ang aming linalakad ay nakaramdam na agad kami ng pagod. Nagpahinga muna kami sa Calawis National High School, ang alma mater ni Jaymark. Siyempre hindi pwedeng hindi mawala ang piktyuran. May kahabaan din ang pahinga namin, kaya nagsimula na muli kaming maglakad, dalawang bundok daw ang aming aakyatin. Malas nga lang namin na ang susunod na daanan ay hindi na sementado. Effort kung effort ang karamihan sa amin habang inaakyat ang unang high slope ng bundok. Nagsimulang maging tampulan ng biro si Erna na animo’y bola sa pag-bounce habang naglalakad. Pasalamat na lang talaga kami na may mga ukab ang lupa kaya may suporta kami sa pag-ahon. Hindi rin nakaiwas si Imee sa pagkadulas. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa aming pahingahan. Doon, tagaktak na ang aming pawis. Sangtimbang pawis na marahil ang mapupuno. Nagging tampulan ng tukso si Veric na ini-ugnay ng klase kay Zara, at siyempr hindi rin nakaiwas si Jaymark na liligawan ‘kuno’ ni Amor (klasmeyt din nila na hindi rin nakasama kasi mag-i-emcee). Caught in the act sa picture ang pahinga moments ng grupo.

WALKATHON

After a while, nagsimula na kaming maglakad. This time puro naman pababa ang aming linakad. It was really a tiring walk, but the expectations na siguro bongga nga ang pupuntahan namin, motivates us to walk.

Obvious naman sa mga sceneries na nadaan namin na maganda talaga ang pupuntahan, pero may part ng bundok na talaga namang nakakalbo na. Nakakalungkot mang isipin, pero time will come kung patuloy sa ginagawa ang mga taong naninirahan sa gilid na bundok na yun sa kanilang pagkaka-ingin, paniguradong tuluyan na itong makakalbo.

Ang mga dinaanan namin halos rough road, hindi ko ma-imagine ang means of transportation ng mga tao roon. Pero kitang-kita ang marka ng mga gulong, siguro kahit ganoon katarik ang bundok mayroon paring umaakyat na sasakyan doon. May marka rin ng paa ng mga kabayo (means of transpo rin iyon sa kanila). Pero hindi rin talaga mawawala ang mga naiwang mga tsinelas, halos ang ilan nga mga nakabaon pa.

Bukod sa taas at babang paglalakad namin sa bundok, unforgettable part din ng aming journey ang pagtawid namin sa rocky bridge na gawa lamang sa kawayan ang platform. Of course pwede naman kaming tumawid sa baba, yung dalawa nga sa mga estudyante ko, sina Imee at Erna, may fear of height kaya mas pinili nilang mabasa na lamang sa ilog.

After that ‘bridge thing’ we finally arrived sa Brgy. Apia, ang lugar nila Veric. Interesting ang lugar. Interesting kasi ang language na ginagamit nila. Sabi ng mga estudyante ko parang halu-halo ang lenggawe nila. Mixed language ba! Doon rin lang ako nakakita na mixed ang high school at elementary level. Para ngang land of the mixed ang lugar na iyon. Dun nga rin namin nakilala ang aming new found friend na si Marimar, gaya ng kanilang lugar ‘mixed’ din si Marimar— mix gender.

Akala namin tapos na ang journey namin, hindi pa pala, dun pa lang pala talaga magsisimula ang another chapter ng aming journey. Ang pagpunta sa ilog ng Apia.

Pahinga lang kami sandali sa bahay nina Veric. Habang nagpapahinga nagpakuha kami ng kaimito, at isa si Marimar sa kumuha ng kaimito para sa amin. Karamihan sa mga batang kumuha ng kaimito para sa amin, hindi nakakaintindi ng tagalog, buti na lang si Marimar nakakaintindi.

Matapos namin makapagpahinga at magpakuha ng kaimito, balik lakaran na kami. This time naman papunta na sa ilog. Ang layo pa pala ng aming lalakaraan. Grabe. Batuhan ang daanan, konting pagkakamali baka tepok lamok…

Tinuro rin sa amin ni Veric ang isa niya pang condo unit sa kabilang bundok. Again, another grabe! Banglayo ilang bundok uli ang aakyatin…

But after all these walkathon experiences… dugie-dugie naman kami. Dugie…dugie sa Ilog ng Apia.

DUGIE-DUGIE

Pagkakaintindi ko sa ‘dugie’ ay aso, yun pala ‘doon’. Hindi rin ako sigurado kung ‘doon’ ba talaga ang ibig sabihin nito sa mixed language ng mga tag

a-Apia, narinig ko lang ito sa isa sa mga estudyante ko.

Pagkakita namin sa lugar, GRABE! As in grabe talaga! Virgin na virgin ang lugar. Ang linis ng tubig, fresh an fresh ang hangin. Ang sarap manirahan sa ganoon ka-peaceful na lugar. Ang ilang estudyante ko, hindi na nakapag-pigil, kaya lumusong na -agad sila sa ilog. Samantalang ako, with Hazel, Veric, and Rachel ay nagpe-prepare naman for our lunch. Si Veric ang gumawa ng apoy, ako ang nagpa-baga (halinhinan kami ni Hazel), at si Rachel naman ang nag-asikaso sa iihawing bangus.

Habang inaantay naming maluto ang bangus, lumusong muna kami sa ilog. Ang sarap ng tubig. Relaxing sa katawan. Parang hindi ko nga estudyante ang mga students ko, para lang kaming mag-kakaklase habang nagkakasiyahan.

That was not the first that we have a bonding together, noong una ay nung nag-story telling sila sa isang community sa Rizal. This time naman, having them in this wonderful trip truly proves how happy I am being with them. No pressure sa mga pinaggawa ko sa kanila, no exam, no quizzes, no nerve wracking literary analysis— just plain fun… fun… fun… Sayang wala yung iba…

After that, sabay-sabay kaming kumain. Na-miss ko yung mga ganoong pagkakataon. Eight years na rin ang last time ko na umakyat ng bundok with my high school friends. Salamat talaga sa mga students ko sa pag-invite sa akin. Bumalik ako sa pagiging estudyante ko. Bumalik ako sa mundong dati kong ginagalawan. Laking bundok kaya ako. That time, nawala lahat ng doubt ko sa buhay, about my future, about everything that bombarding in my head. Kaya nga plain fun… fun… fun…

Sana there will be another experience na ganito, kahit saang bundok uli, kahit saang ilog basta maganda lang paliguan… Go na go ako diyan… You know me, hindi ako choosy…

OH OUR GOD… WOW… THERE IS NO SUCH PLACE AS APIA…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s