SI BODJIE AT ANG HIWAGA SA BUNDOK APIA

(source photo: www.yahoo.com)

Madalas umalis ng bahay si Bodjie na hindi nagpapaalam sa kaniyang nanay. Umuuwi lamang ito kapag malapit nang dumilim. Kaya nga laging kunsimido sa kaniya ang kaniyang nanay at tatay. Hindi rin siya nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata sa kanilang lugar. Natatakot kasi ang mga ito sa kaniya.

Nang minsan ay umuwi ito na may sugat sa tuhod. Galit na galit ang kaniyang nanay dahil nalaman nitong umakyat na naman ito sa Bundok Apia.

‘Mga diwata ang may gawa niyan sa iyo dahil laboy ka ng laboy,’ galit na sabi ng nanay  ni Bodjie.

‘Nay, nadapa po kasi ako sa gilid ng sapa,’ paliwanang ni Bodjie.

‘Anak, pumirmi ka naman kahit minsan dito sa bahay at tulungan mo kami ng tatay mo rito. Pwede ka namang makipag-laro sa mga bata rito sa atin, pagkatapos mo kaming tulungan. Araw-araw lagi mo kaming pinag-aalala. Sana’y maging leksyon sa iyo ang nangyari sa iyo.’ Mahinanong sambit ng ina.

Hindi tumugon si Bodjie dahil labag sa kalooban niya ang nais ng kaniyang ina.

Kinabukasan, hindi rin sinunod ni Bodjie ang payo ng ina. Muli itong bumalik sa Bundok Apia nang mag-isa upang manghuli ng mga ibon at manguha ng mga pruta sa gilid ng sapa.

‘Nakahuli ako… nakahuli ng isang ibon…’ Tuwang-tuwa si Bodjie. Dumiritso siya sa puno ng mangga upang magpahinga.

Habang namamahinga ay may bumato sa kaniya ng malilit na buto. ‘Sino yan?’ tanong ni Bodjie. Paulit-ulit siyang binabato. ‘Sino nga sabi yan?’ Walang tumugon sa kaniya kaya bumaba siya mula sa puno at hinanap  ang nagbabato.

Napansin niya na bukas ang kulungan ng ibon. Hinanap niya ang ibon ngunit imbes na ang ibon ang kaniyang makita ay isang magandang babae ang nagpakita sa kaniya. Nagulat siya at mabilis na tumakbo. Muli siyang nadapa at nasugatan. Linapitan siya ng diwata at tinulungan siyang tumayo.

‘Hangga’t hindi ka nagbabago, hindi ka pwedeng bumalik rito. Lagi ka na ring magkakasugat sa tuwing baba ka na ng bundok,’ sambit ng diwata.

Nagising na lamang si Bodjie na nasa bahay na siya. Dali-dali niyang hinanap ang kaniyang nanay na kasalukuyang nagluluto at ang kaniyang ama na inaayos ang kanilang lutuan. Mahigpit niyang yinakap ang kaniyang mga magulang.

‘Mabuti naman at gising ka na,’ natutuwang sabi ng kaniyang ina.

‘Tinanghali ka yata anak,’ sabi naman ng kaniyang ama.

‘Nay, Tay, susunod na po ako sa inyo. Hindi nap o ako pupunta sa Bundok Apia. Tutulungan ko na lang po kayo rito sa bahay at makikipag-laro sa mga bata rito.’

Advertisements

One thought on “SI BODJIE AT ANG HIWAGA SA BUNDOK APIA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s