Si Tado Talentado

(source photo: http://www.flickr.com)

Mahilig sumayaw at kumanta si Tado. Kapag nasa bahay lamang siya ay madalas siyang sumayaw habang kumakanta. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay niya kapag nakikita siyang ganoon kasaya. Alam kasi nila ang kalagayan ng kanilang anak. Kaya lang madalas siyang pagtawanan ng mga kaklase niya. Parehong kaliwa kasi ang paa niya. Sintunado rin ang boses niya. Sa tuwing pinagkakatuwaan siya ng kaniyang mga kaklase ay umiiwas na lamang siya.

Isang araw, may nabasa si Tado na anunsiyo sa iskul. May paligsahan sa talento. Kahit anong talento pwede. Sasali sana si Tado, kaya lang pinanghinaan agad siya ng loob. Natatakot kasi siya na baka pagtawanan na naman siya ng kaniyang mga kaklase.

Habang naglalakad, muling napahinto sa tapat ng anunsiyo si Tado. Gustong-gusto niya talagang sumali. Napansin siya ng kaniyang guro na titig na titig sa anunsiyo.

‘Tado sasali ka ba?’ Tanong ng guro ni Tado.

‘Opo maam, kaya lang baka hindi po kasi ako manalo at pagtatawanan lang po nila ako uli’

‘Ano ba ang hilig mong gawin?’

‘Mahilig po akong kumanta at sumayaw’

‘May talento ka naman pala. Huwag mong isipin na pagtatawanan ka lang ng mga kaklase mo. Kailan pa sila nakakita ng nakasaklay habang sumasayaw at kumakanta? Ikaw lang makakagawa niyan dito sa ating paaralan.Alam mo ba kung bakit may patimpalak na ganito?’

‘Bakit po ba?’

‘Para maipakita ng bawat estudyante sa paaralang ito ang kanilang mga talento. Ang tunay na talento ay ang pagpapasaya sa tao.’

Matapos siyang kausapi ng kaniyang guro, naliwanagan si Tado. Tama ang kaniyang guro. Hindi niya kailangang maging kahusay ng iba niyang mga kaklase. Gagawin niya lamang ang lahat ng kaniyang makakaya para mapasaya ang mga taong manonood sa kaniya.

Nag-ensayo agad si Tado. Pinatugtog niya ang kanilang stereo. Pinanonood siya ng kanilang nanay at tatay habang sumasayaw at kumakanta. Matapos niyang mag-ensayo ay tuwang-tuwa ang kaniyang magulang.

Dumating na ang araw ng patimpalak. Kinakabahan si Tado dahil alam niyang magagaling ang mga makakalaban niya. May kumanta, may sumayaw, may tumula at iba pa. Lalong kinabahan si Tado nang tawagin na siya sa entablado. Natahimik ang mga tao ng makita nilang may saklay siya. Nakatuon ang kaniyang pansin sa kaniyang nanay at tatay na galak na galak na makita siya sa entablado.

Nagsimula na si Tado sa kaniyang pagtatanghal. Gamit ang kaniyang saklay ay nagpakitang gilas siya sa pag-sayaw. Kung madalas ay iisang saklay lamang ang gamit niya, sa pagkakataong iyon ay dalawa  naman ang kaniyang ginamit. Tila isa siyang mahusay na sirkero habang binabalanse ang katawan sa dalawang saklay.

Umugong ang palakpakan matapos niyang ipakita ang kaniyang talento. Nakita niya ang kaniyang magulang na halos maiyak sa tuwa.

Tanggap ni Tado na hindi siya nanalo. Mas ikinatuwa niya pa na hindi lang ang kaniyang magulang ang kaniyang napasaya. Napasaya niya rin ang mga nakapanood sa kaniyang pagsayaw.

Pinatunayan ni Tado na hindi hadlang ang kaniyang kapansanan para gawin ang kaniyang hilig, ang sumayaw, ang kumanta at lalo’t higit ang magpasaya ng tao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s