Si Wonder Nanay at ang Magic Bilao

A Place in the Universe

A Place in the Universe (Photo credit: Wikipedia)

(source photo: www.video48.blogspot.com)

Madalas niyo siyang nakikita sa palengke. Mayroon siyang pwesto doon, maliit lamang iyon at libre dahil nakikitinda lamang siya roon. Nagtitinda siya ng tinapa na nakalagay sa kaniyang bilao. Palagi rin siyang pagod sa pagtitinda. Pagdating niya nga sa bahay, hindi pa siya nagpapahinga. Inaasikaso niya pa kami. Nagluluto ng pagkain para sa amin at lalo’t higit tinuturuan pa kami sa pag-aaral.

Para sa akin ang pag-tuturo ni nanay sa amin ang pinaka-gusto kong ginagawa namin. Bukod sa may natutunan kaming magkakapatid, kung saan-saan din kami pumupunta sakay-sakay ng kaniyang ‘magic bilao’.

Kanina nga kagagaling lang namin sa ilalim ng dagat. Hindi ko kasi masagutan ang aking takdang-aralin tungkol sa mga isda. Tamang-tama naman at kilalang-kilala ni nanay ang mga isda sa karagatan. Muli kaming sumakay sa kaniyang magic bilao. Nagbago ito ng anyo na animo ay isang submarino. Pumunta kami sa pinaka-ilalim ng dagat at pinakita sa amin ni nanay ang iba’t ibang uri ng isda, gaya ng milkfish, starfish, seahorse, stingray, at marami pang iba. Ang galing talaga ni naynay, biruiin kabisado niya lahat ng mga nilalang sa ilalim ng dagat.

Pagka-ahon namin sa dagat, may takdang-aralin din ang bunso kong kapatid. Tungkol naman sa mga planeta, bituin at buwan.

Lalo tuloy akong nagalak dahil unang beses kaming dadalhin ni nanay sa labas ng mundo. Naging isang spaceship naman ang bilao. Dinala muna kami ni nanay sa buwan.

Madaming alam si nanay tungkol sa buwan, mula sa unang tao na nakatapak sa buwan. Kay nanay ko nga rin lang nalaman na ang buwan pala ang dahilan kung bakit minsan mataas ang tubig sa dagat at minsan naman ay mababa. Hindi naman kami pwedeng lumapit sa bituin dahil mainit daw doon sabi ni nanay, kaya tinanaw na lamang namin ito habang pinupuntahan namin ang mga planeta gaya ng Venus, Mercury, Jupiter, Saturn, Uranus at Neptune.

Nagtaka ako kung bakit di namin pinuntahan ang Mercury at Pluto. Sabi ni nanay, masyado na raw malayo ang Pluto baka maligaw daw kami. Baka naman daw matunaw kami kapag pupuntahan  pa namin ang Mars.

Pagbalik namin sa mundo, hindi pa nagpaawat si nanay, magbabakasyon daw kami. Kaya lang sabi niya sa amin ay magpahinga daw muna kami. Ngunit nagpilit ako na kami na ang bahala sa mga dadalhin bukas. Pinilit namin si nanay na magpahinga muna. Siniguro naming tulog na siya. Matapos niyon, sakay ng kaniyang magic bilao, pinuntahan namin si tatay na nagtatrabaho sa Manila. Alam naming magkakapatid na nasasabik na si nanay na makita si tatay. Kahit man lang sa kaarawan ni nanay, sa maliit na paraan ay mapasaya namin siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s