BAKIT HINDI MO NA KAILANGAN MAG-ALAY LAKAD ULI?

(photo from: http://www.sendusout.com/god/alay-lakad-the-gift-walk/)

Limang taon na nung una akong mag-alay lakad. Hindi na iyon naulit. Personal choice ko yun, dahil ako mismo sa sarili ko, hindi ko naramdaman ang tunay na kahalagahan kung bakit kailangan kung magpagod ng ganoon. Hindi rin ako sigurado kung alam rin ba ng mga nag-aalay lakad kung bakit ba talaga nila ginagawa ang mag alay lakad. Para sa nakakarami ito ay isang panata na dapat ginagawa taun-taon, ngunit ang tanong, anong klaseng panata? Panata para kanino? Sa kasintahan mo? Sa kasama mo sa grupo? Sa organisayong kinabibilangan mo? Sa kaibigan mo? o SA DIYOS?

Mag-alay lakad ka kung…

  1. Alam mo sa sarili mo na habang naglalakad ka pinagsisihan mo ang mga kasalanang nagawa mo buong taon.
  2. Alam mo sa sarili mo na kaya mo ginagawa iyon dahil inaalala mo ang sakripisyong ginawa ng Diyos sa atin.
  3. Alam mo ang isasagot mo kapag tinanong ka ng, “WHAT IS THE REAL ESSENCE OF PILGRIMAGE?” “WHAT IS THE BIGGEST MISTAKE YOU HAVE EVER DONE INTO YOUR LIFE? DO YOU THINK GOD WILL FORGIVE IF YOU GO TO WHITE CROSS?” 
  4. Pagdating mo sa White Cross, taimtim kang nagdadasal para sayo, para sa pamilya mo o para sa lahat ng tao.

Huwag kang mag-alay lakad kung…

  1. Ginagawa mo lang ito para makipag-date sa kasintahan mo. Magandang alibi nga naman na mag-aalay lakad ka, pero ang totoo gusto mo lang makasama ang boyfriend/girlfriend mo.
  2. Ginagawa mong basurahan ang madadaanan mo. Hello! bawal na ang sobrang basura sa Antipolo. 
  3. Makikipag-eye ball ka lang sa mga ka-clan mo… (sino sa inyo si midnight solitaire?)
  4. Gusto mo lang mag-sight seeing… tipong seeing kung sino ang may QUALITY na maging jowa.
  5. Ginagawa mo lang biro ang paglalakad mo. Gusto mo lang maging gaya ni Dora the Explorer— ANG BATANG MAHILIG MAGLABOY… ANO BA TALAGA TO ALAY LAKAD? O ALAY LABOY? (kasama na raw yun)
  6. Kailangan mo, kasi required sa organization niyo (bro tama ba?). Ang hindi sumama, may parusa… OUCH!!! 
  7. Ayaw mong madumihan at magkapaltos ang paa mo.
  8. Ayaw mong matulog sa damuhan, sa sako, sa karton at human pillow and blanket. Teh! Doon ka sa hotel pumunta kung gusto mo ng convenience.
  9. Di mo bet ang lugar na paglalagian mo while waiting for the gate of the White Cross to open.
  10. Nagjijinarts ka sa mga foods, ayaw mo ng street foods. Remember walang strabucks, inasal, mcdo, jollibee, etc. doon, much better kung magbaon ka na lang.
  11. Dala-dala mo ang kotse mo. Hoy, alay lakad nga e! Daya mo a!
  12. LAHAT NG MGA NAUNANG NABANGGIT ANG DAHILAN MO KUNG BAKIT KA MAG-AALAY LAKAD…

(photo from: http://www.sendusout.com/god/alay-lakad-the-gift-walk/)


May pinapasaringan ako. Alam niyo kung sino kayo. Alam ko rin na di ko lang pinapasaringan ang sarili ko, pinapatamaan ko pa nga e! Ouch na kung ouch sa akin dahil ang ilan sa mga nabanggit ay ako dati. Ilan lang naman pwera yung sa jowa! Kaya nga hindi na naulit pa ang pag-aalay lakad ko e! Hindi lang naman kasi sa pag-aalay lakad maipapakita ang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Jesus Christ sa atin. Maipapakita rin natin ito sa pang-araw araw na ginagawa natin. Sa tuwinang gumagawa tayo ng kabutihan, ibig sabihin lamang iyon, lagi nating ina-alala si Jesus Christ at ang Diyos… ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s