Kuya may itatanong lang…

Kuya pwede ka bang makausap?

Bakit?

May itatanong lang ako.

Tungkol saan?

Posible bang tunay na umibig ang isang tunay na lalaki sa isang bakla?

Oo, pero depende iyon. Kung pera lang ang habol niya, malamang pera ang mahal ng lalaki at hindi ang bakla. Kung minsan naman kapag pamparaos lang ang hanap ng lalaki, libog naman ang minamahal niya. Pero may pagkakataon na talagang umiibig ang tunay na lalaki sa isang bakla lalo pa kung tinuturing niya itong babae kahit pa nasa katawan ito ng lalaki. Diba may straight na babae na umiibig talaga sa tomboy? Kung may ganoong uri ng babae, siyempre may ganoong uri rin ng lalaki.

Eh! Bakla na rin ang lalaking iyon, kasi pumatol siya sa kapwa niya lalaki.

Lalaki pa rin siya. Tunay na lalaki kung hindi niya tinitingan ang katawan ng bakla. Mahal niya ang bakla dahil babae ito para sa kaniya. Tsaka wag mong sasabihing kapwa lalaki, kasi kung ‘sexual orientation’ ang pag-uusapan pareho silang lalaki, at kung ‘gender orientation’ naman, doon may pagkakaiba ang lalaking naniniwalang babae siya at ang tunay na lalaki. Pag-sinabi nating sexual orientation ito ang pagkakalanlan niya mula noong pinanganak siya hanggang sa lumaki, kaya siya sinabing lalaki ay dahil may ari siya ng lalaki. Pero kapag ang paniniwala niya kung ano ang kasarian niya na walang pag-aalinlangan, iyon naman ang gender orientation. Dahil sa paniniwala niya ay babae siya, kahit pa nasa katawan siya ng lalaki; ang sexual orientation niya ay babae.

Sino magsasabi kung ano ang kasarian niya?

Pwedeng kahit sino, pero ang mahalaga ang may katawan mismo ay alam kung ano siya mismo. Kahit pa taliwas ito sa paniniwala ng iba.

Ang gulo naman kuya. Paano naman kung umiibig na siya sa bakla at nagkakagusto rin siya sa babae? Sabi ng kaibigan ko bisexual raw yun.

Hindi bisexual ang lalaking ganoon. Hanggang ang gender orientation niya sa bakla ay babae; wala itong pinagkaiba sa oryentasyon ng isang tunay na lalaki sa tunay na babae.

Ganoon pala yun.

O! Ano pa?

Yung, transgender ano naman yun? Diba bakla rin yun?

Ganito kasi yan, may lalaking ganap na bakla at mayroon namang ganap na babae. Kasi sa Pilipino, kapag sinabi nating bakla, ang tinutukoy natin ay gay at transgender. Pero sa Ingles mag-kaiba ang gay at transgender. Ang mga gay sila yung mga lalaking hindi pa ganap na babae pero may damdamin sila para sa lalaki at ang oryentasyon nila sa sarili ay babae. Samantalang ang transgender, sila naman ang uri na mas piniling mamuhay na tulad ng isang ganap na babae. Pumapasok sila sa women’s C.R. Kapag nagpapakapkap sa mall sa lady’s guard sila pumipila. Mula ulo hanggang paa, babaeng-babae sila.

Ang mga transgender ba ay retokada?

Hindi naman kailangang maging retokada. Pero ang ilan umiinom ng pills para lang magkutis babae at magkaroon ng malusog na dibdib. May iba naman nag-papatransplant at nagpapalagay ng silicon. Hindi naman mahalaga yun. Gaya ng sabi ko nasa oryentasyon ng isang tao yan.

Ikaw kuya umibig ka na ba?

Minsan. Paminsa-minsan.

Ako kasi, kanina lang. Kaya nga kita natanong, kasi naguluhan ako. Parang kinukuwestiyon ko na rin kung ano ba talaga ako.

Junior, nandito lang si Kuya, nasa parehong bangka lang tayo. Promise hindi tayo lulubog.

Kahit na nandiyan si Papa?

***

Ngumiti na lamang si John saka yinakap ang bunsong kapatid.

 

Advertisements

One thought on “Kuya may itatanong lang…

  1. kase po nag kagusto po ako sa babae yun pala may konting pag ka tomboy, ano po bang dapat kong gawin naguguluhan po kase ako plsss reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s