Kuya araw ba ng panganganak ang May 1?

Natawa ako kanina kuya, nariirnig ko ang boses ni Aling Martha, sabi niya: Arnulfo… hooohooo… lalabas na ata itong junior mo… Arnulfooooooooooo… Lakas ng tawa ko.

Loko ka a!

Kuya saktong-sakto kaya ang panganganak ni Aling Martha… Labor Day di ba ngayon? Araw ng panganganak…

Sira ulo ka rin ano!

Ako pa talaga ang sira ulo.

Labor Day… ibig sabihin araw ng mga manggagawa. Itinalaga kasi ng simbahang Katoliko na kapag sasapit ang May 1 dapat bigyan ng parangal si St. Joseph, ang santo ng mga manggagawa.

Kaya pala doon sinunod ang proclamation ng Labor Day sa ating bansa.

Tumpak. Mantakin mo yun! Nag-aanalisa ka na rin…

Bukod dun sino ba talaga si St. Joseph?

Siya ang asawa ni St. Mary at ang nagsilbing ama ni Jesus Christ dito sa lupa. Siya ay kinikilala bilang bahagi ng tinatawag ng simbahang Katoliko na “Holy Family” dahil naging ama siya kay Jesus. Si Pope Pius IX ang nagproklama sa kaniyang santo ng Universal Church noong 1870.

Kailan ba siya nabuhay?

Magbasa ka nga ng bibiliya, malinaw naman sa bible na buhay na siya bago pa dumating si Kristo.

Saan ko mababasa? yan

Naku ikaw talaga! Sa Old Testament mula sa Mathew hanggang Luke. Nabanggit dun ang naging buhay niya.

Nagbabasa ka siguro ng bibliya?

Heheheh! Minsan lang! Tsaka kinailangang pag-aralan ko yun!

Anong pag-aaral?

Josephology, pinakabagong theological discipline ng pag-aaral sa buhay ni St. Joseph. Nag-sit in ako dun sa kaibigan kong kumukuha ng theology… interesting… kaya nakisali ako sa discussion. Ito pa ang natutunan ko… Originally, March 19 ang St. Joseph Day, pero nang ma-proklamang santo na talaga si St. Joseph, binago ni Pope Pious XII ang selebrasyon. Nakagawian na ng mga sinaunang tao na magdiwang ng araw ng manggagawa sa buwan ng Mayo, kaya inayon ng Papa ang araw ni St. Joseph sa May 1 dahil para sa Papa, ehemplo ng manggagawa si St. Joseph dahil sa determinasyon nito, tiyaga at sipag sa pagtatrabaho noong nabubuhay pa ito.

Banglupit mo kuya… hanga na talaga ako sa iyo…

Ano marami kang natutunan.

Sige kuya, aalis muna ako… sisilipin ko kung nanganak na si Aling Martha at sasabihin kong Joseph ang ipangalan sa anak niya… wag na lang Arnulfo ang baho kasi…

***
### batch natano

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s