Kuya sa USTE ako pagka-gradweyt

Bulaga!

O! Ano naman?

Kasi bukas graduation na namin. Tapos kanina may natanggap akong sulat, nakapasa ako sa UST.

Ha? Paanong? Saan ka kumuha ng entrance fee… yung mga letters… consent…

Kuya, ako pa! Madiskarte yata ‘tong utol mo… Teka!… Pinagpapawisan ka ‘ata kuya…

Nag-mamasteral ako… tinatapos ko ang thesis ko… iniisip ko pa ang incentive na ibibigay ko sa mga panelists… hinuhulugan ko ang bahay at lupa… mag-i-invest pa ako sa fish pond ni tiyang. Madami akong bayarin sa mga pamanang utang ni mama, saka unpaid bills ni papa.

Suma total wala kang pampaaral sa akin sa uste?

Kasi ‘tol, bakit naman sa uste pa? Pwede namang dito na lang sa atin sa probinsiya. May university rito. Murang-mura at kayang-kaya ko ang tuition mo pati na allowance.

Kuya, iba na kapag dun ka graduate. Astig. Nakasulat sa resume ko, graduated from UST.

Dito ka na lang sa atin, dito rin lang naman ako nagtapos a! De-kalidad rin naman ang edukasyon dito sa atin. Nasa estudyante na lang yan kung hindi siya mag-aaral ng maayos.

Minsan lang ako makahingi sa’yo ng malaki ipagdadamot mo pa!

Minsan nga lang pero kukubain mo naman ‘ata ako. Ayaw ko namang hadlangan ang pangarap mo ‘tol, ang sa akin lang may pagkakataon ka nang makapag-aral wag mo ng sayangin pa. Marami ang gustong mag-aral kahit sa public school basta makatapos lang, ikaw na may pagkakataong makatapos papakawalan mo pa ba?

Bakit ikaw nagma-masteral ka pa pwedeng kahit hindi naman na a! Ang mahal-mahal din ng tuition mo.

Wala tayong kakainin kung hindi ko ito gagawin. Baka hindi na ako makapagturo kung ‘di ko to matatapos. Kung hindi lang ako nag-aaral uli baka mapapag-aral pa kita sa uste. Bakit ba pinagpipilitan mong huwag mag-aral sa atin?

Sabi kasi nila hindi raw ako magiging productive at mahihirapan daw akong maghanap ng trabaho.

Sino naman ang may sabi niyan? Yung barkada mong mapera na puro na lang ka-coolan sa katawan ang hilig? Ako na lang ang gawin mong halimbawa, tingnan mo si kuya, ang naabot ng kuya at ang maaabot pa ni kuya kapag natapos niya ang masteral niya? Hindi ba naging productive ang public university rito sa atin? Ang pinsan natin nasa America, mga tito at tita natin na masagana na ang buhay ngayon, lahat sila mula elemetarya hanggang kolehiyo sa public school nag-aral. Yun ba ang hindi productive? Maswerte ka nga dahil pinag-aral kita sa private high school dahil hiniling mo kahit doble ng tuition mo ang sinasahod ko kada buwan. Sa pagkakataong ito, ako naman ang hihiling sa’yo na sana kailangan nating magtipid muna. Kapag natapos ko ang masteral ko, papag-aralin kita sa UST, huwag ka na lang muna makipagsabayan sa gastusin natin ngayon.

Kuya nag-litanya ka naman. Pwede na ba akong magsalita? … kuya naman… kuya… pansinin mo naman ako… oo na… sige na… dito na ako mag-eenrol sa atin. Basta pagka-gradweyt mo sa masteral, sa UST mo na lang ako papagtapusin, o kaya sa UP, mas maganda siguro kung sa Ateneo o kahit sa La Salle para sosyal. Tapos kukuha ako ng business… kuya wala kang kibo diyan… o sige… agri or aqua culture para makapag-manage ako ng fish pond business ni tiyang… ayan na ha! Hoy  kuya… naman sige ka huhugutin ko ang plug ng computer nang ma-corrupt yang thesis mo… isa-dalawa-tatlo…

***

Ctrl + S… Computer Shut down… Saka sisilay ang ngiti sa labi ni John.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s