J BROTHERS MD’S SPECIAL: KUYA MOTHER’S DAY NA PALA…

Mother’s Day na pala.

Wow updated si Junior.

‘Tol maya’t maya ang advertisement sa t.v.

Wala akong paki…

Yan ka na naman sa paki-paki mo. Akin na nga yang remote.

Ano bang…

O! See sabi sa iyo may ads tungkol sa mga nanay. Nanananan lab you… hmmmm I care

Tama na sintunado ka… hmmm… Miss mo na si mama ano?

Miss na miss. Alam ko may hinanakit ka sa kaniya. Lalo na sa mga iniwan niya sa’yong responsibilidad.

Hindi ko kasi maintindihan si mama, bakit niya kailangang umutang ng kaliwa’t kanan. Sapat naman ang kinikita ni papa.

Di ba sabi niya para sa negosyo niya?

Nasaan na ang negosyo? Sino ang nakinabang? Tayo ba? Yung mga pinapapautang niya. Utang na pinapa-utang pa. Tapos bili ng bili ng kung anu-ano sa bahay. Hindi naman natin mga kailangan. Kung ako nga lang ang masusunod binenta ko na ang mga yan pambayad sa mga utang. Pinigilan lang ako ni papa. Yun na lang daw ang ala-ala niya kay mama. E! yun din naman ang nagpapa-ala-ala sa akin sa mga hinanakit ko kay mama. Kaya nga ganito ako katipid sa iyo, pati na rin sa pag-aaral mo, dahil ayokong maging katulad ni mama.

Sabi kasi sa akin ni mama nung bata pa ako, ayaw niya raw na maging pabigat kay papa. Gusto niya raw na may naii-ambag siya sa bahay.

Kaya nga siya nag-asawa para may makatulong siya sa buhay.

Kuya wag mo namang pagsabihan ng ganiyan si mama. Patawarin mo na siya.

Hindi mo alam na muntik na akong hindi makapag-aral ng dahil sa utang niya. Tuition ko na lang ibabayad pa sa utang. Akala ni papa binibigay sa akin ang budget pero hindi pala. Madami akong gustong bilhin mula sa allowance ko pero hindi ko man lang nahihipo ang pera ubos na. Pero ang hindi alam ni mama, nasasaktan ako sa tuwing ginagawa niya sa akin yun. Buti na lang naka-avail ako ng scholarship at nag-kaside line.

Hindi ko alam yun.

Abala ka kasi sa negosyo ni mama, kaya hindi mo nakikita yun. Kakamuhian mo din ba siya kung nalaman mo yun?

Hindi. Kasi halos araw-araw kasama ko si mama. Madalas kausap ko siya. Marami siyang pangarap para sa akin, pati na rin sa iyo. Kung alam mo lang ang dinadaanan ni mama araw-araw kapag wala siyang pambayad sa utang niya. Madalas rin siyang nagtatago. Ako nga lagi ang humaharap sa mga pinagkakautangan niya. Iskripted nga madalas, sabihin ko raw wala siya pumunta sa ganito, pumunta sa ganiyan. Nakakatawa nga minsan dahil sinisipat talaga nila si mama sa loob ng bahay, ang hindi nila alam nasa ilalim lang ng lamesa si mama, nagtatago. Tapos pag-alis ng maniningil, kakalabitin ni mama ang tuhod ko saka sasabihin sa akin, ‘ano malayo na ba?’ May pagkakamali si mama, given na yun… pero ni minsan hindi ko pinagdududahan ang pagiging ina niya sa atin at hindi inisip na mali ang nagawa niya.

Alam mo ‘tol… ako lang siguro ang nagkamali.

***

Muling ipapalabas ang ads, may kumakantang bata, yakap-yakap ang ina niya…‘Mama I love you… mama I care…” Muling sasabay sa pagkanta si Junior.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s