FATHER’S DAY POST NG J BROTHERS: “KUYA GAMITIN MO NAMAN ANG PUSO MO KAHIT MINSAN… “

Oopssssss saan ka pupunta?

Sa kapitbahay… Diyan lang kina Raymund… may group project kami.

Group project? Anong oras na?

Seven pero quarter to eight.

Alam mo pala e!

Si Marcos ka ba? Lagi ka kasing may curfew.

Curfew… hindi curfew yun! Kasunduan yun, between you and me. Nakalimutan mo na ba?

In every rule there’s always an exemption.

Nagdadahilan ka pa.

Tsaka matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Diyan lang naman yung kina Raymund sa ikatlong kanto.

Hindi ako papayag. Nung nakaraang lingo sunod-sunod ang krimen diyan sa may kanto. Kahapon naman may balitang na-holdap dito sa atin. Lumipat na kaya tayo?

Doon muna tayo kay papa sa kabilang bayan.

Kay papa? Naman o! May pamilya na yung tao, sisingit pa ba tayo?

Bakit? Pamilya rin naman niya tayo.

Ayan! Ayan ang napapala mo sa kabarkada mong….

…puro ka-coolan ang katawan. Tsaka para namang ang dali sa iyong makalimutan ang ginawa niyang panloloko kay mama.

Para lang ito sa kapakanan mo, natin.

‘Wag na nga tayong maglokohan dito, gusto mo lang naman laging iparamdam kay papa na nagkamali siya ng ipagpalit niya tayo sa ibang pamilya. Ayaw ni papa ng gulo sa pagitan ng pamilya natin at bago niyang pamilya.

Mali, ayaw niya lang tanggapin sa sarili niya na nagkamali siya na iniwan niya tayo.

Yan ang hirap sa iyo kuya, lahat na lang ng nakaraan pilit mong binabalikan… Ito o! Ito tingnan mo ang passbook ni papa. Wala ni kusing na nabawas. Ni bente singko sentimos. Alam mo kung bakit ginawa ito ni papa? Dahil alam niya sa sarili niya na isusumbat mong lahat iyon sa kaniya. Hindi mo lang ba na-realize na si papa ni minsan hindi ka niya sinumbatan sa bawat butil ng bigas na pinakain niya sa iyo, sa bawat paghihirap at pagtitiis niya para lang makatapos ka sa pag-aaral mo? At alam mo ba na hindi naman talaga ako pupunta kina Raymund… pupuntahan ko si papa sa ospital dahil naka-confine siya. Kailangan niya ang passbook na ito para sa pagpapagamot niya.

Bakit di mo sinabi sa akin?

Kasi ikaw kuya puro ka na lang utak… ang tali-talino mo nga pero yang puso mo hindi mo minsan ginagamit.

***

Dagli niyang hinablot ang susi ng kotse. Patakbong sumunod si Junior…saka nila sabay na tinuntun ang ospital kung saan naka-confine ang kanilang ama.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s